Huwebes, Enero 18, 2018

Panitikan ng Persya






Isa sa mga pinakamatandang literature ng mundo ang Panitikan ng Persya. Ito ay pinalamutian ng mga hiyas ng karunungan, sining at imahinasyon ng mga Persiyano. Isa sa mga sikat na manunulat ng mga panahong iyon ay si Ferdowsi na itinuring na pinakamaimpluwensya sa panitikan ng perysa. Isa sa kanyang akda ang epikong “Si Rustam at Sohrab”.


Ang epikong ito ay tungkol kay Rustam na isang magiting na bayaning ipinanganak na kasing laki ng leon. Nakilala niya si Prinsesa Tahmina na kangyang minahal. Nagkaroon sila ng anak na nagngangalang Sohrab na hindi niya nakita hanggang sa magkaroon ng digmaan at napatay niya si Sohrab. Huli na nanng mapansin niya ang pulseras na suot ni Sohrab ay katulad ng kay Prinsesa Tahmina na ibinigay niya. Saka lamang niya nalaman na anak niya pala ito. Hindi man niya ginusto ang nangyari ngunit sadya namang malupit ang tadhana sa kanya.


Nakakalungkot para kay Rustam ang sinapit ng kanyang anak na si Sohrab lalo na’t siya pa ang nakapatay ditto. Kahit sabihin pa na hindi naman niya alam na anak niya ito, masakit pa rin para sa kanyang kalooban ang pangyayari. Sayang at hindi man lang niya nakasama si Sohrab kahit sa sandaling panahon pero kung hindi naman nangyari ang digmaang iyon, hindi nya rin malalaman na may anak pala siya na katulad niya ay isa ring matapang at magiting na bayani.